Monday, October 24, 2011

Scriptwritter Strikes

Kapag alam mong matatapos na ang araw mo sa mundo, mas nanaisin mo bang bumilis ang ikot nito o bumagal upang gawin at tuparin ang mga bagay na nais mo? Ipapaalam mo ba sa iba upang damayan ka o ililihim mo na lang upang hindi nila sa iyo iparamdam na sooner or later, iiwan mo na sila?


Tanong nga sa isang TV commercial, "ikaw, para kanino ka bumabangon?" Dati hindi ko maisip kung ano ang isasagot ko sa katanungan na iyan. Hangang sa nakilala kita. I rearranged my plans. Gusto mong malaman? 


Sa pagising ko sa umaga, isang napakamagandang dahilan para bumangon ang una kong makikita, dahil pinangarap kong ikaw ang kasama sa bawat pamamahinga sa buong magdamag. Breakfast in bed o pwede rin sa den o sa dining. Kasabay ng pagsisimula ng panibagong araw, ay sabay nating inihahanda ang ating mga sarili sa pagpasok sa trabaho... Hindi bilang mga empleyado kundi bilang mga may-ari ng sarili nating negosyo. 


Sa pagdating natin sa ating opisina ay mamamasdan natin ang masasayang mukha ng ating mga kaagapay sa pagpapatakbo ng ating negosyo... Magaan sa pakiramdam na sa pagtupad natin na makamit ang financial freedom ay may mga tao tayong natutulungang makapag provide ng trabaho. Sama-sama nating hinaharap ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay, maging sa loob o labas man ng ating trabaho. Sabay tayong bumubuo ng mga plano upang mas lalong mapalago ang ating pinagkakakitaan.


Sa buong araw na ating pagtatrabaho ay atin ding inaalam ang kalagayan ng mga taong malapit sa buhay natin... 'Yung mga taong kasa-kasama natin bago tayo pinagtagpo ng panahon, ang ating pamilya... Hindi lng para sa atin ang ating pinaghihirapan kundi kasama sila sa ating mga pangarap. At sa paglipas ng buong araw na pagtatrabaho, ay ikaw naman ang aking pagsisilbihan. Dahil habambuhay kitang aalagaan at mamahalin. 


Hindi sa lahat ng panahon ay tayo ay magkakasama dahil parte ng ating buhay na may ibang tao sa ating paligid. Mga taong may iba't ibang purpose of existence... 


At hindi rin sa lahat ng oras ay bahay at trabaho lang ang ating iniikutan... Pinangarap kong marating ang iba't ibang lugar na kasama ka. Masilayan ang ganda ng kalikasan. Maging tayong dalawa man o kasama natin ang ating pamilya at mga kaibigan. 


Hindi ko sa iyo maipapangako ang isang buhay na walang mga pagsubok, tampuhan, at mga hindi pagkakaunawaan pero maipapangako ko sa iyo na handa akong harapin ang mga pagsubok, suyuin ka sa oras na ika'y nagtatampo at malawak na pang-unawa sa mga individual differences natin....


At higit sa lahat, ikaw ay aking mamahalin at liligawan habang ako'y nabubuhay....


Ikaw na kaya ang may hawak ng script na gaganap na katuwang ko sa pagbuo ng kwento ng aking buhay?  



No comments:

Post a Comment